Sa Aking mga Kabata
Kapagka ang baya'y sadyang umiibig
Sa kanyang salitang kaloob ng langit, Sanglang kalayaan nasa ring masapit Katulad ng ibong nasa himpapawid. Pagka't ang salita'y isang kahatulan Sa bayan, sa nayo't mga kaharian, At ang isang tao'y katulad, kabagay Ng alin mang likha noong kalayaan. Ang hindi magmahal sa kanyang salita Mahigit sa hayop at malansang isda, Kaya ang marapat pagyamaning kusa Na tulad sa inang tunay na nagpala. Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin Sa Ingles, Kastila at salitang anghel, Sapagka't ang Poong maalam tumingin Ang siyang naggawad, nagbigay sa atin. Ang salita nati'y huwad din sa iba Na may alfabeto at sariling letra, Na kaya nawala'y dinatnan ng sigwa Ang lunday sa lawa noong dakong una.
Repleksyon:
Ang akdang ito ay ipinapahitawig ang pagmamahal sa sariling Wika, natutunan ko din ang pagpapahalaga at importansya ng Wika sa ating mga mamamayan at sa ating minamahal na Bayan.
|
Tuesday, June 25, 2013
Subscribe to:
Post Comments (Atom)